QUEZON Province, the Philippines

Quezon Hymn

(Filipino 菲律宾文 Filipino)

Tayo na at sama-samang isulong
Pag-unlad ng ating bayan
Isa-puso't isipan
Buong tapat nating pasalamatan
Sa Poong Maykapal Kasaganaan ng bayan

Pagyamanin bukiring mga luntian
Pangalagaan nating lahat masaganang karagatan
Ang kultura't mga likas yaman
Tangkilikin, ingatan magpakailanman

Bayan ng Quezon,
Timog Kanluran ng Palawan
O duyan Ka at pinagmulan
ng mga ninuno ng sambayanan
Ang Kwebang Tabon ang unang naging tahanan
Na naging tanyag sa sanlibutan

Tayo na at sama-samang isulong
Pag-unlad ng ating bayan
Isa-puso't isipan
Buong tapat nating pasalamatan
Sa Poong Maykapal Kasaganaan ng bayan

Bayan ng Quezon,
Timog Kanluran ng Palawan
O duyan Ka at pinagmulan
ng mga ninuno ng sambayanan
Ang Kwebang Tabon ang unang naging tahanan
Na naging tanyag sa sanlibutan

Mga kabuwa Pilipino o dayuhan man
Amin kayong inaanyayahan
Halina sa Quezon, sa aming bayan
At nang masilayan taglay Niyang kagandahan

Pagyamanin bukiring mga luntian
Pangalagaan nating lahat masaganang karagatan
Ang kultura't mga likas yaman
Tangkilikin, ingatan magpakailanman

Mabuhay ang Qurzon mahal naming Bayan!
Mabuhay ang Qurzon mahal naming Bayan!