Sangsaglit na lamang ang hinihintay Dumapa nang dahan-dahan sa gilid ng daan Nariyan na, nariyan na ang kaaway Papalapit, papalapit sa'ting hanay
Pandama'y talasan, sandata'y ikasa Huwag lilikha ng ingay, kumubli at maghanda Nariyan na, nariyan na ang kaaway Papalapit, papalapit sa'ting hanay
Mga pasistang pahirap sa masa Nariyan na, nariyan na. Ang gatilyo'y kalabitin, isa-isang asintahin Ang bala ay huwag sayangin, armas nila'y samsamin
Dinggin mo ang atas, sundin bawat kumpas Abe Baking Kaloy, sugod buong lakas Nariyan na, nariyan na ang kaaway Papalapit, papalapit sa'ting hanay
Mga pasistang pahirap sa masa Nariyan na, nariyan na. Ang gatilyo'y kalabitin, isa-isang asintahin Ang bala ay huwag sayangin, armas nila'y samsamin
Pagputok sabay-sabay, huwag maglulubay Hanggang mga kaaway, magtaasan ng kamay Isang tagumpay sa Bagong Hukbong Bayan Isang tagumpay ng ating Digmang Bayan Isang tagumpay, isang tagumpay!