Isla kang hiyas ng bansa Ganda mo'y bigay ni bathala Mga dagat mo't mga lupa Sa yaman ay sagana Ang iyong dagat ilog at kabundukan Ay yaman ng kalikasan Likha ng Diyos sa atin ibinigay Ingatan ang karapatan Halina at atin pagyamanin Ang lupain ay ating bungkalin Lakas talino ay ating gamitin Nang umunlad ang bayan natin
Marinduque bayan nating minamahal Pangako'y katahimikan Ang sinuman sa iyo ay manahanan Ligaya ang makakamtan Sa puso't isip ng iyong mamamayan Payabungin ang iyong yaman Nang sumagana lalong dumakila Ang marinduke aming mutya