Kaming mga Mindoreño May talinong taglay Panahon namin ay laging nakatuon sa kabutihan Ang pangarap na kapayapaan at mga kasaganaan Sa Silangang Mindoro Dito lamang matatagpuan.
Kaya mga kababayan Laging itanim sa puso’t diwa Ikaw, ako’y Mindoreño Pinagpala ng Maykapal
Mindoreño, isang sulo sa tagumpay ng bayan Sulong ipakita, ipadama at ipahayag Pagmamahal sa Diyos at sa bayan Mabuhay ka Mindoreño.
Ang aming lalawigan Lalawigang minamahal Kaming mga anak mo Pagkakaisa ang hangad Ang ugali nating marangal Ay sa kapwa ipadama Iyan ako ang Mindoreño Ang Mindoreño ay ako.
Kaya mga kababayan Laging itanim sa puso’t diwa Ikaw, ako’y Mindoreño Pinagpala ng Maykapal
Mindoreño, isang sulo sa tagumpay ng bayan Sulong ipakita, ipadama at ipahayag Pagmamahal sa Diyos at sa bayan Mabuhay ka Mindoreño. Pagmamahal sa Diyos at sa bayan Mabuhay ka Mindoreño