 |
BATANGAS Province, the Philippines |
 |
Dangal ng Batangas
(Filipino 菲律宾文 Filipino)
Hindi Salapi o kislap ng alahas Ang nagbibigay galak at gilas Hindi anyo, ginto o perlas Nagtataas ng ating antas
Dunong, galing at talino Kinilala ng buong mundo Pamilya'y buo at makatao Yan ang Batangenyo.
Batangas, Batangas Dangal ang lakas ng Batangas Mayama't dalita kung walang dangal Aanhin pa ang buhay
Kasaysayang nagdaan Sa dangal inialay ang buhay Ibuwal man ng walang dangal Tindig pa rin sa gawang marangal
Batangenyo sa dangal nabubuhay Sa dangal pa rin mamatay Huwag tapakan, huwag dungisan Dangal ng Batangas ay buhay