BATAAN Province, the Philippines

Bataan Hymn

(Filipino 菲律宾文 Filipino)

Bataan, mutyang lalawigan
Handog ng Maykapal
Dakilang lupain na makasaysayan
Bataan langit sa piling mo
Ang kami'y mabuhay
kasama ng aming mga kababayan
Sadyang pinagpala ng Poong may lalan
Ang dagat nya;t lupa sagana sa yaman
Di ka malilimot kahit na nasaan
Na lagi kang mahal at ikararangal
Bataan taos naming hangad
Ang 'yong kaunlaran
tapat na layunin
ika'y paglingkuran
Talino at buhay aming iaalay
Ng dahil sa iyo mutyang lalawigan
Dasal nami't hiling sa Diyos na Maykapal
Magpakailan pa man ika'y patnubayan
Sa puso at diwa di ka mawawalay
Laging mamahalin habang nabubuhay

Bataan! Bataan! Bataan!